July 02, 2008, Wednesday- I only have two subjects during that day... 7 am to 9 am, PE and 1 pm to 4 pm, History 4... As usual late nanaman akong nagising kaya ayun, nagmamadali nanaman akong kumilos... Mga 5:30 na ng makarating ako sa kanto namin... Instead of going to Noveleta, napagisip-isip ko na dun na lang ako sa kanto ng Tabon sasakay... good thing, may dumaan na fx... 1st time ko pa lang sumakay ng fx nun pagpapunta sa school pero nakasakay na 'ko once pauwi... so yun, ang bilis lang ng biyahe namin, halos 1 hour lang ata... Nung nasa coastal road na kami, I saw two rainbows... After seeing them, I only thought of one thing- "new hope"... Ewan ko, yun yung unang pumasok sa isip ko eh... so yun, gumaan pakiramdam ko nung nakita ko yung dalawang rainbow na yun.. ^^,)
anyway, di ba nga nagfx ako? akala ko sa may Taft Ave. sila nadaan, hindi pala... sa Roxas Blvd. pala.. hehe.. imbis na sa Pedro Gil ako bumaba sa may Padre Faura ako bumaba.. hindi ko alam kung saan ako dadaan kasi unfamiliar sa'kin yung place... What I did, naghanap ako ng jeep papuntang City Hall... Tapos yun, nakasakay ako ng jeep.. bumaba ako sa Luneta at naglakad papuntang Kalaw-Taft... tapos sumakay ulit ako ng jeep papuntang Pedro Gil.. hehe.. Ang gulo ng buhay ko noh? hehe.. at least nakapunta naman ako sa SSWC ng maaga.. hehe.. pero sa kasawiampalad wala kaming prof.!!! grabe!!! nagpakapagod ako tapos wala pa lang prof.. hmmph..
so yun, wala ngang prof... kumain ako sa Jollibee mag-isa... loner? hehe... hindi ah... ^^,)
fast-forward>>> naglalakad na ako papuntang Padre Faura... E madaming taong naglalakad... nagkakasalubungan... naka backpack ako nun kasi nga PE ko... then habang naglalakad ako, may nararamdaman akong nagbubukas ng bag ko... actually narinig ko yung zipper na bumukas.. pero ang alam ko yung pocket ng bag ko yung binubuksan kasi nakatago yung zipper ng "main compartment" eh... hehe.. ang ginawa ko, hinayaan ko... haha.. kasi ang laman ng pocket ng bag ko ay mga powder, tissue, cologne, lip gloss, suklay, salamin... hehe.. so wala siyang makukuha... or at least, hindi kawalan kung may makuha man siya... nung wala na siya sa likod ko.. saka ko na lang sinaran yung zipper... hehe.. tapos yun, nagtuloy-tuloy na ako ng lakad.. hehe..
hay naku... hehe.. sana mag sem beak na!!! haha.. ang layo pa eh.. sana makapasa ako sa math 17.. waaaah!!! hehe..
bye2.. ^^,)