No Replies

I've sent a lot of messages. I've asked so many questions. But until now, I'm still waiting for his answers... Kailan ko kaya malalaman ang lahat ng kasagutan? After one year? two years? or maybe three years? Kailan nga kaya?

Wala lang, napaisip lang ako... Matagal-tagal na rin kasi since our break-up.. Though I feel somehow okay now, there are still times na naiisip ko siya. Alam mo yung feeling na naglalakad ka lang then you'll just suddenly see things that will remind you of him... That happened to me a lot of times... Nagugulat na lang ako pag ganun yung nangyayari sa akin...

Anyway, handa naman akong maghintay sa mga kasagutan na hinahanap ko... Hihintayin ko 'yun... Hihintayin ko yung panahon na sasabihin na niya sa akin lahat-lahat.. And sana, pagdumating na 'yung time na malalaman ko na yung mga kasagutan, sana okay na okay na 'ko... Sana nakapag-move on na 'ko talaga...

'til here.. ayusin ko na yung reaction paper ko sa History 4... ^^,)

Typhoon Frank (Fengshen)

Did you watch the news yesterday? Or maybe listened to the radio? Typhoon Frank (Fengshen) was really a disaster... Grabe, here in Cavite, I think 5 towns were submerged by flood... In Iloilo naman, lampas tao na yung tubig-baha... "Iloilo is like an ocean...." according to Governor Tupaz...Parts of Manila and other nearby provinces were also flooded... Even some of the provinces in Visayas were also affected by the typhoon. Hundreds of people were killed and thousands of people were homeless...

And, yeah, about the MV Princess of the Stars... Grabe, around 700 passengers are still missing... 4 people were confirmed dead... And 4 survivors were in Sapatos Islands waiting for the rescue... According to a resource, hundreds of people might still be inside the ship and weren't able to jumped into the water when the ship tilted (most of them were old people)... Many of the passengers jumped even though the waves were huge and the rain was heavy... Rescuers are still hoping that many passengers and crews have reached the shore...

As of now, the rescuers are in constant search for other survivors of the MV Princess of the Stars... On the other hand, relatives of the passengers, who went to Sulpicio Lines office, are praying that their families and loved ones are somehow safe and alive...


That's a very sad news for us... Sana hindi na dumami yung bilang ng mga casualties...


Anyway, I was watching DZMM Tele Radyo yesterday... Nag-enjoy akong basahin yung mga text messages ng mga tao na nagrereklamo or whatever tungkol sa typhoon and gov't... Wala lang, natuwa lang ako kasi di ba the first announcement of suspension of classes only concerned the elementary and high school students... so nagrereklamo itong ibang mga college students kasi 11 pm pa iaannounce kung suspended ba yung classes sa tertiary level... Some were saying na "bata din kami noh, affected din ng typhoon" and the like.. hehe.. It makes sense naman talaga eh.. Tapos some parents were also asking kung may pasok ba sa lugar nila, at the end of the message, may nakalagay "fr. galit na magulang of (insert place here)".. hehe.. If my memory serves me right, 2 different messages yung ganun.. hehe.. Tapos there's this one texter na nagtanong kung ano ba talaga ang tama, MV Princess of the Star or MV Princess of the Stars, kasi daw other stations ang sabi "Star" lang pero sa ABS-CBN "Stars".. hehe.. Keen observer huh? pero ang tama is MV PRINCESS OF THE STARS (may S) hehe.. Some private employees were also protesting kasi daw puro public employees lang yung focus ng suspension ng office.. "tao din kami" according to one of the texters.. hehe.. Then yung last na napansin ko, may isang texter na hindi ko alam kung naligaw ba siya or sadya kasi ang nakalagay dun sa text nia "ma m22log knb?" hehe.. di ba, news yun e, tapos ganun yung text nia.. hehe.. hay naku..

'til here folks.. Let's just pray for the families na affected ng typhoon... Let's pray na hindi na dumami yung casualties and that everything will soon be okay.. ^^,)
God bless..

I'm Loving David Cook!!!



Always Be My Baby


Time of My Life

David Cook is looove! I never get tired of listening to his songs... I really adore him... weeeee!!! I know you do too, right? ^^,)

Ang abnormal kong schedule

Mondays: 7:00 am- 8:30 am
Tuesdays: 7:00 am- 2:30 pm (no vacant period!); 6:00 pm- 7:00 pm
Wednesdays: 7:00 am- 9:00 am; 1:00 pm- 4:00 pm
Thursdays: 7:00 am- 8:30 am
Fridays: 7:00 am- 2:30 pm (no vacant period!)


Abnormal noh? Though wala naman akong sinisisi sa sched ko kasi ako ang pumili niyan.. hehe.. Siguro sa susunod aayusan ko na ang pagpili.. hehe.. Tsaka ayoko na ng 7 am... Sana next time mga 9 am na lang start ng class.. hehe.. And next time din, I'll have more but shorter vacant periods para hindi naman ako inaamag sa gutom o kaya mabulok kakalakad sa rob.. hehe..


yun lang naman... ^^,)

School school school

It's been a while since my last post... kasi naman ang daming ginagawa sa school... Nakakapagod... tsaka isa pa, wala akong maisip na i-popost...


Anyway, at least ngayon madami- dami na akong kilala sa UP.. Most of them are in higher years... so they are my ates and kuyas... ^^,) Ahhmm.. what else? Last June 18, if I'm not mistaken, inunravel yung oblation sa oblation plaza sa may PGH. Gusto ko sanang umattend kaso nakakatamad... hehe.. mainit pa... kaya hindi na lang ako pumunta... Mababait din ang mga prof ko.. buti na lang!!! Hindi sila mga terror and they are approachable... Hindi rin sila boring magturo kaya medyo nawawala yung antok ko... haha..


Madami pa rin akong aasikasuhin sa UP.. sheeesh.. Di ko pa nakukuha class card ko.. hehe.. tsaka magpapa-validate pa 'ko ng mga subjects... naku, sana may ma-credit naman kahit mga 4 na subjects lang (including zoology).. hehe.. ahhmm.. wala na kong maisip.. ^^,)


next time na lang ulit..
magpopost na ko ng matino next time.. promise! ^^,)

KBS: Formidable Rivals


I love watching this Korean drama series in KBS... I love the story because it is very unique compared to other drama series... It isn't only about the love triangle of Yu Gwanpil, Cha Yeongjin and Kang Suho but it is also about family and friendship... ^^,) It also has a bit of action so the story isn't really boring and cheesy.. ^^,)

And of course, I think Kang Suho (Lee Jin-wook) is very HOT (the one in the center) haha.. I like him... His acting is very impressive... ^^,)

Just search the net for its synopsis or you can also watch it in KBS every Mondays and Tuesdays at 9 pm... ^^,)



Second Day of School

Ayan... Tapos na yung first kaya yung second naman... hehe..

So, 7 am ang start ng class ko... PE1 yun (mababait yung mga guard sa SSWC.. hehe..) but since walang prof and nasa department orientation ang mga freshies, walang klase... Goshness!!! kasi ang next class ko ay 1 in the afternoon pa... O diba??? Kaya ang ginawa ko, nagpunta ako ng Quirino dun sa office ng papa ko para kunin yung padala niya... Unfortunately, 9 am pa ang bukas nila (mga 7 am ako nagpunta) kaya instead na maghintay ako (kasi matagal tagal din yun) sabi ko sa guard babalik na lang ako.. At ito na!!! I don't know what's with me but I chose to walk imbis na mag-jeep... At take note!!! NILAKAD KO MULA QUIRINO HANGGANG PADRE FAURA... (O san ka pa??) haha.. Kaya pagdating ko ng OUR (Registrar), haggard na haggard na 'ko.. haha.. Buti na lang sarado pa yung OUR kaya may time pa 'ko para magpahinga ng konti... After a while, ayun, nagbayad na ko ng tuition.. Hatest place ko sa OUR ay yung sa may Cashier... Secret na lang kung bakit.. hehe.. Tapos I had my ID picture taken... Tapos, bumalik ulit ako ng Quirino (by jeep ha!) tapos yun nakuha ko na yung padala... Gutom na rin ako that time and since hindi ako sanay maglunch mag-isa I texted one of my friends sa EAC (Bel) and sabi 'ko sasabay ako sa kanila maglunch.. hehe.. Then, nagpunta na 'ko ng UN.. Nagjeep na ko this time kasi pagod na ko maglakad.. hehe.. After I ate my lunch sinamahan ko yung EAC friends ko na pumunta sa EAC.. hehe.. pero hindi ako pumasok sa loob ng building... While walking, I was saying to myself na ayokong makita si "you-know-who"... kasi ayoko talaga... We stopped for a while to have some chat before I leave... at ayun... sa 'di kalayuan, nakita ko siya.. naglalakad at may dalang bag ha... haha.. Iniwas ko agad yung tingin ko para 'di ko maalala masyado itsura niya.. hehe.. pero natuwa naman ako kasi mukha siyang mag-aaral (studious?).. hehe.. pero of all people!!! of all people bakit siya pa 'yung nakita ko.. di pa ko ready eh.. (hehe.. may ganun?) pero seriously, sana hindi ko na lang siya nakita.. sana si ano na lang.. hehe.. hay naku, pero wala naman akong magagawa kasi nangyari na eh..

Ayun, after that nagpunta ako ng Rob to kill time... Before 12:30 nagpunta na ko ng CAS... Buti na lang mabait yung isang guard dun.. hehe.. nagdiretso ako sa third floor at naghintay ng 1 pm... naku!! super init sa building na 'yun.. tagaktak ang pawis ko kahit na may aircon... Naririnig ko yung pinag-uusapan ng iba kong classmate about sa History 4.. nagtataka ako kasi tungkol daw yun sa Kababaihan e ang alam ko tungkol yun sa mga Religion sa Asia.. Anyway, naghintay ako hanggang mga 1:30 pero sabi nung iba kong classmate wala daw prof sabi nung SA... naghintay pa 'ko saglit kasi baka biglang dumating yung prof.. pero after a while lumayas na rin ako... May acquaintance party ang Pharma students ng 3 pm pero dahil inaantok na 'ko.. umuwi na lang ako... ^^,)


At ngayon, ako ay nagttype.. nga pla, I checked History 4 sa CRS... SHOCKS!!! tungkol nga talaga yun sa Kasaysayan ng Kababaihan churva.. hehe.. History 3 pala yung Relihiyon sa Asya.. haha... anga anga.. hayaan mo na... bahala na lang.. hehe..

Sige sige.. dito na lang.. ^^,)

First Day of School

Well... Ano nga bang nangyari sa first day ng school? Hmmmm..

Ayun, 5:30 in the morning umalis ako ng house para pumunta sa may Long Beach... Kasama ko sina Ghem and Ghie, dun kami nag-abang para makaupo kami sa bus... Halos 6:00 na kami nakasakay dahil puro tayuan na yung mga dumadaan na bus... Mga 8 am dapat nasa school na ko kasi mag-eenlist pa 'ko ng mga subjects... So yun, nakarating ako sa College of Pharmacy ng mga 7:30 am, edi kampante ako kasi maaga ako... Pagka-enter ko ng gate, nagulat ako kasi madami pa lang nagpapa-late reg.. haha.. Edi yun, naghintay ako ng pagkatagal-tagal... Good thing, may nakilala akong ibang transferees kaya at least hindi naman sagad-sagaran yung boredom ko diba? Mga around 10 am na nung tinawag ako para ayusin yung conflict sa schedule ko... tapos yun, inayos ko... Buti na lang mas maswerte pa 'ko compared sa ibang transferees kasi naunahan ko sila sa slots ng bio20 and math17.. haha.. Then, pagpatak ng 11 am, we had our lunch sa walang kamatayang McDo... Tapos, at around 2 pm naman, we had our college orientation na pagkatagal- tagal... pero masaya naman kahit papaano kasi we were introduced sa mga departments, faculty and organizations ng College of Pharmacy... Before 6 pm natapos yung orientation, and I was starving... May klase pa dapat kami ng Pharm100 hanggang 7 pm buti na lang sinabi sa 'min ni Sir Quizon na next meeting na lang... Tapos yun, bibili dapat ako ng food kaso I was amazed (amaze talaga e?) kasi may dumadaan na na Saint Anthony along Taft Ave. Inisip ko, tolerable pa naman yung pagkagutom ko kaya sa bahay na lang ako kakain.. tapos yun, umuwi na ko.. tapos na.. ^^,) hehe..

June 07, 2008: RAY


June 07, 2008
Nagpunta ang ilang kasapi ng Recollect Augustinian Youth kasama si Fr. Enteng sa Sta. Rita College, Paranaque para ihatid ang OAR Youth Cross sa Tagaste Retreat House, Tagaytay... ^^,)

Narito ang ilang mga litrato:



Sa uulitin RAY members...

Gossip Girl: Blair Cornelia Waldorf



GG's Blair Waldorf
She's beautiful, isn't she? Her name is Leighton Meester and she stars as Blair Waldorf in the hit teen TV series Gossip Girl... ^^,)


I super love Leighton (Blair Waldorf) than her co-actress Blake Lively (starred Serena van der Woodsen). She's also a good actress and she portrays Blair very great. The role is so perfect for her. Aside from her acting, I also love her style; it's very chic and classy. Her clothes and head bands are so cute, if only I can have her (Blair's) whole wardrobe.. haha.. but even if I can, I can't pull off her whole look because it is so hot here in the Philippines for me to layer a lot of clothes.. hehe..

Here are some of her photos:




Here are someof Blair's quotes: (thanks to gossipgirlinsider.com)

Chuck: "You know, they say if you love something, you should set it free."
Blair: "Ugh! They say when you hate something, you should slam the door in its face."

Chuck: "You don't belong to Nate. Never have, never will."
Blair: "You never belong to anyone."

for more GG quotes, just visit gossipgirlinsider.com

Last Day of Registration

June 6, 2008: As early as 5 in the morning, gumising agad ako at naghanda para magpunta sa UP-Manila... I know it's very early pero kasi iniisip ko na baka madaming nagpapa-enlist ng mga subjects, last day of registration pa naman yun, and baka traffic din dahil sa mga Maynilad boys... We (my mom and I) were supposed to leave at around 6 am pero dahil sa kabagalan kong kumilos at dahil sa madalang lang ang bus, magse-seven na ng makasakay kami...

So ayun, nakarating kami sa College of Pharmacy and nag-aadvise na yung prof. ng mga subjects na pwedeng i-take and i-credit... Good thing, pangpito ako sa mga dumating... May nakilala pa ko, si Rene na galing UP Baguio at si Trisha na galing SLU... hehe.. Ayun, super tagal kong naghintay doon, okay lang sana sa'kin maghintay but the thing is nakatutok sa'kin yung aircon kaya wala akong magawa kundi manginig sa lamig.. Hindi naman ako makalipat kasi basta.. hehe..

After 10 years, turn ko na rin... Ayun, sabi sa'kin ni sir, kunin ko muna raw yung mga subjects na walang prerequisite kasi baka macredit yung iba kong subjects na na-take ko na sa EAC... So yun, ang mga subjects ko ay speech11, history2, pe1, pharm100, math17 at bio20... Hindi bukal sa loob ko ang pagkuha ng speech11 kasi hindi naman ako sanay magsalita sa harapan ng buong klase.. hehe.. ewan ko ba sa sarili ko at yun ang kinuha ko.. hmmph.. Sa kasawiampalad, wala ng available slots ang math17 at bio20 kaya babalik pa 'ko sa Tuesday... hmmph... At ang masaklap pa, tuwing Tuesday ay 7 pm ako uuwi.. Haggardness! Goshness! hehe..

After that, kumain kami ni mama sa walang kamatayan na Jollibee... Habang nakain, kinukwento ko kay mama yung mga nangyayari and yung mga subjects na ite-take ko.. Then after naming kumain, pinauwi ko na si mama kasi babalik pa ko sa CP dahil i-oorient kami ng prof... Kaya ayun, nauna na siya...

Balik AVR na ako... Binigyan kami ng prof ng curriculum namin sa pharmacy... Grabe! Seeing the curriculum makes me wanna go weak!!! Literally! After a while, diniscuss na ni sir yung mga subjects na kukunin namin throughout our entire stay sa UP... I don't know if he has the intention to scare us or not but either way, he did scare me.. hehe.. Sinabi niya kasi na VERY TOXIC ang course na pharmacy- be it BS Pharmacy or BS Industrial Pharmacy... He also said na halos lahat ng uri ng Science and Math ay kukunin namin- sa ayaw namin o hindi... And idagdag mo pa yung pressure na isa pa lang na UP pharmacy student ang bumabagsak sa board exam... kaya we really need to study hard.. It's a shame naman kung babagsak kami di ba? History ito!!! haha.. So ayun, nagdiscuss pa si sir about sa experiences niya as a UP Pharmacy student... Then... Hindi ko na maalala yung iba eh... Isa lang ang nag-register sa utak ko while he was discussing and that is I have to study hard.. hehe..

Hay naku, it seems like wala muna akong love life ngayon.. hehe.. aral muna.. hehe..

For those who are concerned to me, please visit me na lang sa mental hospital ha.. ward 2 sa may kaliwa... after 3 years.. magpapareserve na ko agad ngayon.. hehe..

O sige, o sige... sana makapag-math17 and bio 20 ako.. hehe.. babush.. ^^,)

Recollect Augustinian Youth

Recollect Augustinian Youth

Pasaway Girls: Manila Ocean Park Adventure

April 5, 2008: We, pasaway girls, went to Manila Ocean Park... (to waste our money (kidding!) ^^,)) Below are some of our pictures!


Click the image for a larger view

June 02, 2008 (wala akong maisip na title)

Hay naku! At last, natapos na din yung medical ko sa PGH and napasa ko na rin yung ibang requirements sa OUR... Goshness ha!!! Sobrang nakakapagod maglakad, mainit pa naman... hooooo! Enrolment na lang problema ko... Sana mag-June 6 na para matapos na lahat... Nakakapagod mag-ayos ng mga documents... hmmmph... Hindi lang energy ko ang nasasayang pati pera ko nasasayang dahil sa pabalik-balik ako ng UP... Ang mahal mahal pa naman ng pamasahe... tsk! tsk!

Anyway, buti na lang SOME of the employees in UP are very accommodating dahil kung hindi uuwi ako ng bahay ng mainit ang ulo at nakasimangot... ^^,)

Oh well, sige na... I'm running out of words... Bye bye.. ^^,)