Second Day of School

Ayan... Tapos na yung first kaya yung second naman... hehe..

So, 7 am ang start ng class ko... PE1 yun (mababait yung mga guard sa SSWC.. hehe..) but since walang prof and nasa department orientation ang mga freshies, walang klase... Goshness!!! kasi ang next class ko ay 1 in the afternoon pa... O diba??? Kaya ang ginawa ko, nagpunta ako ng Quirino dun sa office ng papa ko para kunin yung padala niya... Unfortunately, 9 am pa ang bukas nila (mga 7 am ako nagpunta) kaya instead na maghintay ako (kasi matagal tagal din yun) sabi ko sa guard babalik na lang ako.. At ito na!!! I don't know what's with me but I chose to walk imbis na mag-jeep... At take note!!! NILAKAD KO MULA QUIRINO HANGGANG PADRE FAURA... (O san ka pa??) haha.. Kaya pagdating ko ng OUR (Registrar), haggard na haggard na 'ko.. haha.. Buti na lang sarado pa yung OUR kaya may time pa 'ko para magpahinga ng konti... After a while, ayun, nagbayad na ko ng tuition.. Hatest place ko sa OUR ay yung sa may Cashier... Secret na lang kung bakit.. hehe.. Tapos I had my ID picture taken... Tapos, bumalik ulit ako ng Quirino (by jeep ha!) tapos yun nakuha ko na yung padala... Gutom na rin ako that time and since hindi ako sanay maglunch mag-isa I texted one of my friends sa EAC (Bel) and sabi 'ko sasabay ako sa kanila maglunch.. hehe.. Then, nagpunta na 'ko ng UN.. Nagjeep na ko this time kasi pagod na ko maglakad.. hehe.. After I ate my lunch sinamahan ko yung EAC friends ko na pumunta sa EAC.. hehe.. pero hindi ako pumasok sa loob ng building... While walking, I was saying to myself na ayokong makita si "you-know-who"... kasi ayoko talaga... We stopped for a while to have some chat before I leave... at ayun... sa 'di kalayuan, nakita ko siya.. naglalakad at may dalang bag ha... haha.. Iniwas ko agad yung tingin ko para 'di ko maalala masyado itsura niya.. hehe.. pero natuwa naman ako kasi mukha siyang mag-aaral (studious?).. hehe.. pero of all people!!! of all people bakit siya pa 'yung nakita ko.. di pa ko ready eh.. (hehe.. may ganun?) pero seriously, sana hindi ko na lang siya nakita.. sana si ano na lang.. hehe.. hay naku, pero wala naman akong magagawa kasi nangyari na eh..

Ayun, after that nagpunta ako ng Rob to kill time... Before 12:30 nagpunta na ko ng CAS... Buti na lang mabait yung isang guard dun.. hehe.. nagdiretso ako sa third floor at naghintay ng 1 pm... naku!! super init sa building na 'yun.. tagaktak ang pawis ko kahit na may aircon... Naririnig ko yung pinag-uusapan ng iba kong classmate about sa History 4.. nagtataka ako kasi tungkol daw yun sa Kababaihan e ang alam ko tungkol yun sa mga Religion sa Asia.. Anyway, naghintay ako hanggang mga 1:30 pero sabi nung iba kong classmate wala daw prof sabi nung SA... naghintay pa 'ko saglit kasi baka biglang dumating yung prof.. pero after a while lumayas na rin ako... May acquaintance party ang Pharma students ng 3 pm pero dahil inaantok na 'ko.. umuwi na lang ako... ^^,)


At ngayon, ako ay nagttype.. nga pla, I checked History 4 sa CRS... SHOCKS!!! tungkol nga talaga yun sa Kasaysayan ng Kababaihan churva.. hehe.. History 3 pala yung Relihiyon sa Asya.. haha... anga anga.. hayaan mo na... bahala na lang.. hehe..

Sige sige.. dito na lang.. ^^,)