Oops moment at Padre Faura!

Okay.. Here it goes... hehe..

Last Monday, May 19, I went to EAC to get my honorable dismissal... I was wearing a brown sleeveless top, skinny jeans and my brand new brown rounded-toe wedges... At first, okay naman ako... Feel na feel ko yung outfit ko that time.. Poise na poise ako you see.. hehe.. Then habang naglalakad ako papuntang EAC Registrar, nafi-feel ko nang parang natatanggal yung shoes ko (which I don't understand, kasi sakto naman yung shoes ko sa akin).. So what I did, binagalan ko na lang yung lakad ko.. Nagpunta muna ako ng rest room para ayusin yung sarili ko kasi super init that time at mukha na kong haggard.. Paglabas ko ng rest room nakita ko pa yung crush ko, si kuya *toooooot*.. haha.. (sayang lang di kami nagkasabay pauwi.. tsk!)..

anyway, edi yun.. kinuha ko na yung honorable dismissal ko.. while walking, natatanggal nanaman yung shoes ko.. pero tuloy pa din ako sa paglakad kasi hindi pa nman totally natatanggal eh.. hindi pa rin nawawala yung poise ko (well, at least that's what I think).. kahit na mukhang nahihirapan na ko.. Gosh!

Earlier that day, my mom told me na pumunta ng Mercury Drug sa may Padre Faura para bumili ng gamot.. Edi yun punta ako ng Mercury Drug.. sobrang nahihirapan na kong maglakad dahil sa sapatos ko.. pero keri lang.. sige lang.. feel na feel ko pa rin maglakad at ang outfit ko.. hanggang sa yun, malapit na kong tumawid ng TULUYAN NG NATANGGAL yung sapatos ko.. ang ichura ko pa that time.. Gosh!!! mukhang matitipalok na hindi mo maintindihan.. super nakakahiya talaga.. hindi na ko tumingin sa likod ko kung may nakakita dahil sa sobrang kahihiyan.. nagdiretso na lang ako sa mercury drug.. at hirap pa rin akong maglakad.. Goshness!!! Ang pawis ko grabe pagpasok ko ng Mercury.. Basang- basa ang panyo ko!!! waaaaaaah!!!


At yun, dali-dali akong sumakay ng jeep pagkatapos sa Mercury...



Lesson learned: WAG MAG-INARTE HABANG NAGLALAKAD.... at MAGDALA PALAGI NG EXTRA SLIPPERS...